Tanong at Sagot tungkol sa CNWD-PrimeWater Joint Venture Agreement

Background

       Noong ikalabing-apat ng Enero 2016, lumagda ang Camarines Norte Water District (CNWD) at PrimeWater Infrastructure Corp. ng isang Joint Venture Agreement (JVA) na ang nilalaman ay ang mga pagbabago sa operasyon ng sistemang patubig, mga bagong proyekto at mga karagdagang pagkukunan ng tubig na gagawin ng pribadong sektor, ang PrimeWater. Ang PrimeWater ay may malawak at hindi matatawarang karanasan sa pagpapatakbo ng sistemang patubig. Kapalit ng karapatang magpatakbo ng lokal na patubig, maglalaan ang PrimeWater ng P126M na pondo sa unang taon ng operasyon para sa pagpapaunlad ng lokal na water district o kabuuang P2.986 bilyong halaga ng ari-arian at pasilidad na ituturn-over sa CNWD sa pagtatapos ng termino ng joint venture. Ang nabanggit na kasunduan ay tatagal ng dalawampu’t limang taon (25 years). Nagsimulang ipatupad ang JVA or Commencement Date ng JVA noong March 17, 2016.

1. Ano ang naging batayan ng CNWD sa pagpasok nito sa isang joint venture agreement sa isang pribadong kompanya?

Ang partisipasyon ng pribadong sector ay isinusulong ng pamahalaang pambansa upang mapabilis ang pag-unlad ng isang ahensya ng pamahalaan at paigtingin ang serbisyo nito. Ito ay batay sa programa ng pamahalaan at nakapaloob sa 2013 Revised National Economic Development Authority (NEDA) Guidelines and Procedures na sumasaklaw sa JVA ng gobyerno at pribadong sektor.

2. Anong uri ng joint venture agreement ang pinasok ng CNWD?

Mayroong 2 uri ang Joint Venture:

1. Joint Venture Company– Isang stock corporation ang binubuo alinsunod sa Batas Pambansa 68 o Corporation Code of the Philippines batay sa umiiral na rules/regulations ng Securities and Exchange Commission (SEC) kung saan ang pamahalaan ang magmamay-ari ng 50% ng stock. Ang JV company ang mangangasiwa ng pangunahing mga gawain ng JV alinsunod sa JV Agreement.

2. Contractual Joint Venture Agreement – Walang bagong kompanyang bubuuin. Ang JV partners, pribado at pamahalaan, ang magkatuwang na magsasagawa ng pangunahing mga gawain ng partnership alinsunod sa kasunduan.

Ang CNWD-PrimeWater Joint Venture Agreement ay isang contractual joint agreement o hindi mawawala ang CNWD, bagkus, magkakaroon ng pribadong kumpanyang katuwang, ang PrimeWater.

3. Dumaan ba ang CNWD-PrimeWater Joint Venture Agreement sa prosesong pinagtibay ng NEDA guidelines?

Masusing dumaan ang unsolicited proposal ng PrimeWater sa mga itinakdang proseso ng 2013 Revised NEDA guidelines bago ito nilagdaan ng magkabilang panig. Kabilang dito ang sumusunod:

a. Ang pagbuo ng Joint Venture-Selection Committee (JV-SC) ng CNWD para sa evaluation at pag-aaral ng mga programa at proyektong patubig at pananalapi na ilalaan ng PrimeWater upang maisakatuparan ang mga naturang proyektong tutugon sa kulang na suplay ng tubig.

b. Ang paglalahad ng tinaguriang Joint Venture Proposal ay isinagawa ng PrimeWater sa harap ng (JV-SC) kasama ang kinatawan buhat sa tanggapan ng Government Corporate Counsel, 2 kinatawan buhat sa pribadong sektor at isang kumakatawan sa Philippine Institute of Civil Engineers (PICE). Mayroon ding kinatawan ang Local Water Utilities Administration o LWUA sa JV-SC. Tinanggap ng JV-SC ang inilahad na Business Plan ng PrimeWater para sa CNWD.

c. Dumaan ang JVA sa tanggapan ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) na siyang hinirang ng Department of Justice (DOJ) na maging kinatawan ng Government Statutory Counsel. Sinangayunan ng OGCC ang unsolicited proposal ng PrimeWater pagkatapos na sundin ang mga inirekomendang pagbabago.

d. Maliban sa OGCC, binigyan ng kopya ng JVA ang NEDA at Department of Finance (DOF), Government Commission for GOCC (GCG) at ang Office of the President para sa kanilang kaukulang impormasyon alinsunod sa Section III, Annex A ng 2013 Revised NEDA Guidelines na sumasaklaw sa JVA sa pagitan ng pampubliko at pribadong sektor.

e. Noong January 14, 2016, nilagdaan ito ng Chairman ng CNWD Board of Directors at pangulo ng PrimeWater sa harap ng General Manager ng CNWDbilang witness.

4. Kailan nagsimula ng pamamahala ng operasyon ng CNWD and PrimeWater?

Noong Marso 17, 2016 ang Commencement Date ng PrimeWater. Sa araw na ito sinimulan ng PrimeWater ang pangangasiwa ng operasyon at mga transaksyon ng CNWD.

5. Maliban sa PrimeWater, mayroon pa bang ibang partnership proposals na tinanggap ang CNWD?

Bago ang proposal ng PrimeWater, mayroon pa subalit hindi kasinglawak ng isinumiteng unsolicited proposal ng PrimeWater. Maliban dito, batay sa 2013 Revised NEDA Guidelines sa pagbuo ng joint venture, inilathala noong Nobyembre 26, 2015sa isang pambansang pahayagan ang imbitasyon sa pribadong sektor na magbigay ng kanilang counter joint venture proposal.

6. Maayos naman ang pamamalakad ng CNWD sa sistemang patubig. Ano ang nag-udyok sa CNWD upang pumasok sa isang joint venture agreement sa isang pribadong kompanya?

Batid ng nakararami na laging suliranin ng mga ahensiya ng pamahalaan ang kakulangan ng pondo, kabilang na dito ang CNWD na walang tinatanggap na anumang tulong pinansyal buhat sa lokal o pambansang pamahalaan.

Sa pangkalahatan, maayos ang paninilbihan ng CNWD, subalit ang mga dulong bahagi at mataas na lugar ng service area ay patuloy na nakararanas ng kulang na suplay o pagkawala ng tubig.

Dumarami rin ang mga barangay na humihiling ng extension lines kaakibat ng patuloy na paglobo ng populasyon na hindi mapagbigyan ng CNWD sapagkat hindi sapat ang suplay ng tubig.

7. Ano ang dapat gawin upang matugunan ang pagkukulang ng suplay ng tubig?

Una na rito ang mabilisang pagdevelop ng karagdagang mga pinagkukunan ng tubig tulad ng bukal, deep wells at tubig galing sa ilog.

Pangalawa, ang pinaigting na pagkukumpuni at pagpapalit ng luma at tumatagas na mga distribution at transmission lines na mahigit nang pitumpung taong (70 years old) gulang at minana pa ng CNWD buhat sa pamahalaang panlalawigan. Ang mga tagas ng tubig buhat sa mga sirang distribution lines ay nagpapalala sa problema sa suplay ng tubig. Tinatayang bilyong piso ang kailangan upang tuluyan nang mapalitan ang mga sira at tumatagas na tubo ng tubig. Ang kakulangan sa pondo ay malaking balakid sa mabilisang pagtugon ng CNWD sa problema sa tubig.

8. Ano ang katiyakan na sa pamamalakad ngPrimeWater, mapapabilis ang pagtugon sa problema sa tubig?

Ang kabuuang investment ng PrimeWater sa CNWD sa unang limang taon ay aabot ng P593-milyon na hinati sa mga sumusunod na proyekto:
• P99.689 milyon para sa pagdedevelop ng panibagong mga water sources
• P75.18 pagkukumpuni at pagpapalit ng mga luma at tumatagas na tubo
• P327.99 milyon para sa pagpapalawak ng serbisyong patubig
• P22.95 milyon para sa administrative improvements.

Sa loob ng 25 taong joint venture agreement, may kabuuang P2.986 bilyon ang halaga ng mga investment ang PrimeWater sa pagsasaayos at pagpapalawak ng sistemang patubig.

9. Maliban dito ano pa ang mga nakapaloob sa JVA?

• Mananatili pa rin ang CNWD Board of Directors at General Manager na siyang mamumuno sa Contract Monitoring Unit (CMU). Gawain nito ang siguruhin na tumutupad ang PrimeWater sa mga proyekto at pagbabagong nakapaloob sa pinirmahang JVA.
• Ang water rights ay mananatili sa CNWD. Ito ay bahagi ng usufruct arrangement sa PrimeWater. Ibig sabihin, ang CNWD pa rin ang may-ari ng mga itinayo nitong mga imprastraktura at iba pang proyektong pangkaunlaran.
• Tatanggap ang CNWD ng fixed revenue share naP19-milyon kada taon sa unang limang taon, at tataas ng P1 milyon bawat taon sa susunod na limang taon.
• Babayaran din ng PrimeWater ang amortization(principal at interest) ng mga utang ng CNWD na sa nakalipas na higit limampung taon ay umabot na sa kabuuang P698,229,529.46.
• Ang mga magreretirong empleyado ng CNWD ay bibigyan ng retirement/gratuity package at ang mga mananatili sa serbisyo ay tatanggap ng mataas na compensation at benefit package.

10. May mga agam-agam na sa pagpasok ng isang pribadong kompanya sa pamamalakad ng CNWD, wala nang kontrol ang pagtaas ng taripa ng tubig. Gaano ito katotoo?

Ang pagtaas ng taripa ng tubig ay dapat sumunod pa rin sa guidelines ng Local Water Utilities Administration (LWUA). Ang LWUA ang siyang mag-aaproba ngminumungkahing bagong taripa na hindi dapat lalampas ng 60% ng umiiral na taripa ng tubig. Hindi rin dapat higitan ang 5% ng monthly family income ng low income group. Magkakaroon pa rin ng mga kaukulang publichearings. Higit sa lahat, ang mga ipinangakong pagbabago ng PrimeWater kabilang na ang pagdagdag ng water sources, paglawak ng service coverage, pagbawas ng non-revenue water at pagsasaayos ng kasalukuyang sistema ay naipatupad ng PrimeWater bago aprobahan ang bagong taripa ng tubig.

11. Mayroon ding agam-agam sa kahihinatnan ng kapaligiran sa pagpapatupad ng JVA.

Walang dapat ikabahala. Alinsunod sa kasunduan, ang CNWD at PrimeWater ay mangunguna sa pangangalaga sa kapaligiran batay sa misyon ng CNWD.

12. Ano naman ang sinasabing operational changes ayon sa joint venture agreement?

Kapalit ng kabuuang P2.986 bilyong investment sa sistemang patubig sa susunod na dalawampu’t limang taon (25 years), ang PrimeWater ang siya nang mamamahala ng day to day operations ng CNWD.

Subalit ang napakahalagang gawain na siguruhing ipatutupad ng PrimeWater ang mga ipinangakong proyekto at pananalaping tulong sa CNWD ay nasa Contract Monitoring Unit na pamumunuan ng CNWD General Manager.

13. Mayroon bang batayan sa gagawing monitoring ng mga ipinangakong pagbabago ng private sector?

Upang makasiguro na tutuparin ang mga plano at programa ng nakapaloob sa nilagdaang Joint Venture Agreement mayroong key performance indicators sa pagsusuri ng mga gawain na dapat ipatupad sa loob ng isang taon at bawat ika-limang taon. Ito ay ang mga sumusunod:
a. Service coverage o lawak ng serbisyo
b. Water Quality o Kalidad/Kalinisan ng Tubig
c. Water availability– mayroon bang sapat na tubig pagbukas ng gripo anumang oras?
d. Quality of service o maayos na serbisyo sa publiko

Kung titimbangin ang mga nakapaloob sa CNWD-PrimeWater Joint Venture Agreement, walang kaduda-dudang panalo po ang Camarines Norte Water District at mga konsesyonaryong katulad ninyo.


     Camarines Norte Water District (CNWD) pioneered the concept of a privately run water utility in the Bicol Region when it became the first water district to be established in Region V as mandated by Presidential Decree 198 otherwise known as the Water Utilities Act of 1973. Water districts, however, were categorized as government owned and controlled corporations with the entry of the final judgment of the Supreme Court Ruling on March 12, 1992 declaring water districts as government entities.